“Some people are afraid of what they might find if they try to analyze themselves too much, but you have to crawl into your wounds to discover where your fears are. Once the bleeding starts, the cleansing can begin.”

I'm just an average person who learns a lot from my mistakes and experiences! Ive been hurt a lot! so much that sometimes i think im hopeless... but thanks to god after all that happened to me i still have the power to love again and again and again! just believe and have faith he'll never let us down... maybe all those pains are just there to challenge us! hey! whats life without hurt? itll be boring...believe me :P he knows whats right for us! if he thinks that we're having difficulty with something he'll take some actions ... of course those are not visible and its in disguise... like what happened to me..... ive been hurt alot but here i am still standing and still believing that someday that perfect person youve been dreaming of will come to you effortlessly... just believe because nothing is impossible if you put your heart in it! BUT I HOPE SOMEDAY I WILL FIND THE SERIOUS ONE AND PERFECT PERSON TO ME, DO U THINK IS DAT U? R U D LUCKY1?

ako po si jhovic "JOHNVIC ABELLA ..JHOLENS for short (^^) . .
im 18 yrs.old from manila,marikina. . . bout me ??

cguro my pg'ka silly boi ako . . and i like to play games if you know what i mean (^^) . . . yeah . . . . . . . .

pro my good side nmn ako . . masunurin akong anak and im a very good friend . . (tanong muh sa mga tropa ko) .."sa2bihin nila Hindii syempre" :p

HERMES

HERMES
my pet

Saturday, February 19, 2011

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [14]

SATURDAY, MARCH 13, 2010

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com

--------------------------------------------

Mistulang nakakita ako ng multo sa nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot ang mga iyon.

Nagising naman si Julius at tila normal lang itong kinuskos ang mga mata, tumagilid sa direksiyon ko. “G-gising ka na pala kuya…” ang ang sambit niya, nakatingin sa akin habang pilit kong itinaas ang pantalon.

“Ah… O-o. Maliligo na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?” ang sambit ko, halata sa boses ang mistulang panginginig ng boses sa magkahalong hiya at pagkalito.

Agad-agad naman itong bumalikwas din, itinakip ang kumot sa harap niya na tila alam na nakahubad lang siya, hinahanap sa kama ang shorts na siyang suot-suot bago matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib muna ako kuya, walang pondong tubig ang banyo.”

“Ay, huwag na kung ganoon. Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.

“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita doon.”

Noong makita na ni Julius ang shorts na pamapatulog, agad niya itong isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya habang lumabas kami ng kuwarto. Ako naman ay nagpalit din ng shorts pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na naka-shorts lang at walang saplot ang pang-itaas na katawan, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Noong nasa gilid na kami ng ilog, dinig ko ang mga tilamsik ng tubig nito. Parang ang sarap pakinggan; nakaka-relax. Subalit nangingibabaw pa rin ang lungkot na gumagapang sa aking pagkatao. Naalala ko kasi si Kuya Rom; may sakit na dulot ang ilog na iyon sa aking alaala dahil sa ilog na iyon ko itinapon ang singsing na ipinagkatiwala niya sa akin, ang pilit na pagsalba niya nito na halos magpakamatay na sa pagsisisid maibalik lang ang singsing. At bago pa dito, naalala ko rin ang pinakaunang nangyari sa akin kasama siya na hinding-hindi ko malilimutan; noong muntik akong malunod at sinagip niya ako. Doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya.

Ngunit pilit ko ring iwinaglit ang laman na iyon ng aking isip. Iginiit ko na masaya na siya kapiling ang girlfriend niya at na ako ay hindi na dapat makialam pa sa buhay niya; na dapat ay burahin ko na siya sa puso ko. Pilit kong nilabanang huwag pumatak ang mga luhang namuo sa aking mga mata.

“Marunong ka bang lumangoy, kuya?” ang tanong ni Julius.

“A… e… hindi e. “ Ang sagot ko. “Muntik na nga akong mamatay d’yan noon dahil hindi ako marunong lumangoy.” Ang sagot ko.

“Ay... talaga? Kung ganoon, puwede kitang turuan kuya.” ang mungkahi ni Julius na animoy wala lang talaga nangyari sa amin sa nakaraang gabi.

“O ba!” sagot ko naman. Syempre, kahit papaano, nais ko rin namang matuto.

Dali-dali kaming lumusong sa tubig. At dahil mas matagkad si Julius sa akin, ang malalim na parte ng ilog kung saan hanggang leeg niya ito ay halos lampas na ng ilong ko ang tubig. “Tol! Baka malunod ako!” sigaw ko sa takot.

“Relax ka lang kuya” ang sa bi niya habang hinawakan ang panga ko at hinila. “Sige kuya, ikampay mo ang mga kamay mo at ang mga paa…”

At iyon nga ang ginawa ko. Matagal-tagal din kaming nagturuan. Tawanan, turuan, pahinga... At sa ginawang iyon ni Julius sa akin, pakiramdam ko ay nagging mas panatag pa ang loob ko sa kanya. Hindi lang din kasi mabait si Julius, may katangian din siyang kagaya ni Kuya Rom.

Anyway, hindi ko alam kung natuto nga ako sa mga itinuturo niya. Ngunit pakiramdam ko ay tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili sa paglusong sa tubig at nabawasan ng kaunti ang takot ko sa pagpunta sa med’yo may kalalimang parte ng ilog.

Noong mapagod na, naupo kami sa may buhanginang parte ng aplaya. Habang nakaupo, naalala ko ang panaginip ko sa gabing nagtabi kami ni Julius. At biglang pumasok sa isip ang tanungin siya. “Tol, m-may itatanong ako. Huwag kang magalit ha?” ang may pagdadalawang-isip kong sambit.

“A-ano po iyon, Kuya?” Sagot naman niyang halatang kinakabahan sa linya ng tanong ko.

“M-may ginawa ba tayo kagabi?”

Napatingin siya sa akin, pansing nahihiya at hindi makatingin sa mukha ko, nakuha ang ibig kong sabihin. “E, lasing na lasing ka kuya at…” di niya naipagpatuloy ang sasabihin.

“At ano?” giit ko.

“N-niyakap mo ako at hinalikan…”

Pakiramdam ko ay may kumalampag sa dibdib ko sa narinig, nakumpirmang may nangyari nga sa aming dalawa “G-ganoon ba tol?” ang naisagot ko, napayuko sa hiya sa sarili sa nakumpirma. “A-anong ginawa ko pagkatapos kitang halikan?”

“Hinalikan mo ang buo kong katawn, hanggang isinubo mo ang ari ko”

“Ginawa ko sa iyo iyon?”

“Opo kuya. Tapos, binabanggit mo ang pangalan ni Kuya Rom…”

“T-talaga?” Pakiwari koy biglang naubusan ng dugo ang mga ugat ng mukha ko at simputi na ito ng papel. Alam ko, may nabuo sa isip niya tugkol sa amin ni Kuya Rom. Ramdam ko na parang gusto ko nang isiwalat kay Julius ang lahat upang kahit papaano ay maibsan ang aking mabigat dinadala. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang pagpigil.

Tahimik.

“Íkaw, bakit hindi ka pumalag noong ginawa ko iyon? Bakit o ako hinayaang gawin ko sa iyo sa iyon?” tanong ko uli.

Hindi nakasagot ni Julius. Yumuko lang siya at nilaru-laro ang isang kamay sa buhangin. Ewan kung nahiya siyang amining nagustuhan niya ang ginawa namin o nirespeto lang niya ako bilang anak ng amo nila kaya hinayaan na lang niya na mangyari sa amin iyon.

“M-may ginawa ka rin bas a akin?”

Tumango lang siya, nanatiling nakayuko at inilalaro ang daliri sa buhangin.

Ngunit hanggang doon na lang ang tanong ko. Hindi ko na inalam pa ang nasa isip niya. At hindi ko na rin siya tinanong pa tungkol doon. Hanggang sa naisipan na naming bumalik ng bahay at doon, nananghalian.

Alas dos ng hapon, nakasakay na ako sa sasakyan sa tabi ng driver’s seat at handa na sa pagarangkada ng sasakyan noong mapansing nakatayo si Julius sa harap namin, nakatingin sa akin at pansin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Lumabas uli ako, nilapitan siya at niyakap. “Malungkot ka ba tol?”

“Opo, kuya. Ma-miss kita...” sagot niya na tila iiyak na ang boses.

“Huwag kang malungkot, tol… magkita pa rin naman tayo e.” ang pagsuyo ko.

“Kailan ka na naman babalik?” tanong niya.

“Ewan, pero kapag di ako nakabalik, welcome kang pumunta sa lungsod at doon ka titira sa bahay. Igagala kita doon tol, promise.” Ang naisagot ko na lang.

“Talaga kuya? Sige kapag walang pasok pupunta ako sa inyo kuya ha?”

Tumango ako.

“Kuya, ingat ka lagi...” ang huling sabi niya.

Si ipinakita ni Julius sa akin, feeling ko sobrang close na namin sa isa’t-isa. Kahit isa’t kalahating araw at isang gabi lang ako nandoon, parang napakalalim na ng pinagsamahan namin, lalo na sa nangyari sa amin sa gabing iyon.

Alas 8 na ng gabi noong makarating ako ng bahay. Agad naman akong sinalubong ng mama ko, “Jason, Kumust ang lakad mo? Naikot mo ba ang buong lupain?”

“OK naman ma. Hindi po lahat ang naikot ko… kulang ang kalahating araw eh, nakakapagod din. Pero enjoy naman po.” ang sagot ko.

“Ah, mabuti naman. Kahit papaano, napuntahan mo na.” Ang sagot naman ni mama. “Oo nga pala, nagpunta dito si Kuya Rom mo kahapon!”

Pakiramdam ko ay umalingawngaw sa tenga ko ang pangalan ni Kuya Rom at pinokpok ng martilyo ang dibdib ko sa lakas ng pagkalampag nito. “S-si Kuya Rom ma? Nagpunta dito?” tanong ko, pansin sa boses ang sobrang excitement.

“Oo. Hinahanap ka. Ngunit hindi rin nagtagal at umalis noong sinabi kong nasa bukid ka at sa isang araw pa makabalik.”

“G-ganoon ba? Ano daw ang sabi?”

“Wala namang sinabi. Umakyat sa kuwarto mo sandali at umalis na. Pero may napansin ako, hijo. Sa tingin ko may problema ang taong iyon. Sana makausap mo at baka malay mo, may maitulong tayo, ano man ang problema niya.”

“Ganoon ba ma?” ang sagot ko. Bigla namang sumingit sa isip na baka sa pagpapakasal sa girlfriend niya ang problema at na dahil buntis ito. At kung gaano ako ka excited noong malaman na pumunta siya ng bahay, bigla rin akong nanlumo sa lungkot sa sumiksik na pangitaing namuo sa isip. “B-baka mag-aasawa na ma…” ang sambit kong tila kusa lang sabay akyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ko, hindi ipinahalata ang sama ng loob.

“E… kung tama nga ang hinala mo, hindi naman ako papayag na ganoon-ganoon na lang na wala tayo sa kasal niya no! Dapat na ako ang maging ninang niya para lalong mapalapit sa atin ang ang batang iyon!” Ang pahabol ni mama na pakiramdam ko ay halos sasabihin nalang na aampunin niya si Kuya Rom.

“… para lalong mapalapit sa atin ang batang iyon!” ang pabulong kong paggaya sa huli niyang sinabi, ngingiwi-ngiwi ang bibig hindi malaman kung mainis sa tila pagbigay niya ng mas importanteng atensiyon kay Kuya Rom at sa pagkatuwa pa na magpakasal na iyong tao.

Dire-deretso ako sa loob ng kwarto, inihagis ang dala-dalang knapsack sa gilid noon at ibinagsak ang pagod na katawan sa kama, nakatihaya, itinutok ang mga mata sa kisame. Syempre, ang laman ng utak ay walang iba kungdi si Kuya Rom. “Ano na kaya ang nangyari sa kanya…? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?” Tanong ko sa sarili. “Shiitttt! Bakit ba hindi siya maiwaglit sa aking isip!” ang sigaw ko rin sa sarili sa inis.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong makapa ko ang isang nakatuping papel sa tabi ko. Binulatlat ko ito at binasa. “Tol… kailangan ko ang tulong mo. Sana puntahan mo ako, -Kuya Rom-”

Tinitigan kong maigi ang papel at ang sulat-kamay niya, sinusuri ang bawat letra at pinilt na iniugnay sa aking isipan ang mga eksena kung saan ko siya nakikitang nagsusulat at kung paano niya isinulat ang mga ito.

Tumulo ang mga luha ko noong maisip ko ang mga eksenang iyon – sa loob ng klase, sa library, kahit sa kwarto kapag nandoon siya at nag-aaral at kung saan kukulitin ko sa kasagsagan ng pag-aaral niya at mauwi ang lahat sa harutan at pambunuan ng lakas…

Itinupi ko uli ang papel at pagkatapos ay parang wala lang na inihagis iyon sa sahig. “Bakit???” Sigaw ko sa sarili sa sinabi niya sa sulat na tulungan ko siya. “At ano namang tulong ang maibibigay ko? Ako ba ang magpaplano ng kasal nila? Ako ba ang gagastos? Ako ba ang magdedesign sa gown ng magiging asawa niya? Ako ba ang mag coordinate sa mga activities o mag-entertain sa mga bisita? Ang sakit kaya…” Ang pagmumuni-muni ko, pilit na inaaliw na lang ang sarili.

Maya-maya, sumagi rin sa isang bahagi ng utak ko ang pagnanais na tanggapin na lang ang kung ano man ang maging desiyon niya, ang direksyong tatahakin sa buhay kung sakaling magpakasal na nga siya. “Di ba kung talagang mahal mo ang tao ay handa kang magparaya, ibigay sa kanya ang kung ano man ang maaaring makapagbigay-ligaya sa kanya kahit na ito ay mangangahulugan ng kanyang paglayo; dahil kung para sa iyo naman ang isang pag-ibig, kahit ano man ang mangyari ay babalik at babalik pa rin ito sa iyo… Ngunit kung sa kabilang banda ay hindi man ito babalik, at least magagandang alaala ang maipabaon mo sa kanya na hindi niya malilimutan sa iyo kung sa kanyang paglisan ay maluwag sa kalooban mo ang pagbigay-laya, ang pagsuportang ipamalas sa kabila ng iyong pagdadalamhati.”

“Arrrggghhh!” sigaw ko sa sarili. “Sobrang hirap… Bukas ako ko na lang pagdesisyonan kung pupuntahan ko ba siya o hindi” ang sambit ko sa sarili, hindi na iniisip kung madalian ba ang hiningi niyang tulong.

Dahil saw ala akong pasok kinaumagahan, alas 10 an akong bumalikwas ng higaan. Noong magising, naalala ko kaagad ang sulat ni Kuya Rom.

Ngunit hindi ko rin agad ito inaksyonan. Nagtatalo kasi ang isip ko kung puntahan ko ba siya o hindi. Noong matapos kumain ng tanghalian, nabuo sa isip ko na puntahan na lang si Kuya Rom. Nagpaalam ako sa mama at papa ko na puntahan siya kasama uli ang driver namin.

May kalayuan din ang bahay nina Kuya Rom dahil sa ibang bayan sila nakatira at may tatlong oras pa ang biyahe. Noong natunton namin ang lugar, ipinagtanong-tanong pa namin ang bahay nila. Dahil hindi kilala ang pamilya nila sa lugar, matagal-tagal din naming nahanap.

Sa huli, natunton din namin ito. Kitang-kita ko ang kahirapan nina Kuya Rom. Gawa lang sa kawayan ang bahay at ang atip ay nipa. Maliit lang ito na kung titingnan sa labas ay may isang kwarto lang siguro ito at isang sala na kasama na ang hapag-kainan.

Hindi ko naman maiwasang hindi alipinin ng awa ang aking damdamin. Sa porma pa lang ng bahay nina Kuya Rom, hindi ko maisip kung pano niya nakayanan ang mga gastusin sa school, sa pamasahe, sa pagkain, sa boarding house. Kahit kasi varsity scholar siya, syempre, hanggang tuition lang naman ang libre sa kanya at marami pa ring gastusin ang isang estudyante. At kahit ganoon siya kahirap, ni minsan hindi iyan nanghingi ng tulong sa amin.

Kumatok kami sa bahay ngunit walang tao ito. May kapitbahay na lumapit at sinabing nasa ospital daw ang mag-ina.

Sa pagkarinig ko, dali-dali kong sinabi sa driver na puntahan namin ang ospital na nabanggit.

Nakarating nga kami sa ospital. Nagtatakbo akong pumasok, nagtanong sa information kung saan naka-confine si Kuya Rom. Napag-alaman kong ang nanay pala ni Kuya Rom ang na-confine ngunit ooperahan din daw si Kuya Rom.

“Ha? Bakit? Tanong ko sa information.

“Sa loob na lang ninyo alamin...” sagot naman noong nurse sa information.

Takbo naman ako kaagad sa ward na itinuro at noong nasa hallway ako, nakita ko si Kuya Rom na nakahiga sa stretcher, naka-damit pasyente, iyong isinusuot ng mga ooperahan at hila-hila ng may ilang nurse patungo sa operating room.

“Kuya! Anong nangyari!” Sigaw ko habang sinusundan ang stretcher.

Minuwestrahan ni Kuya rom ang mga nurse na huminto. “S-salamat Tol na nagpunta ka... Yakap ka naman sa akin. Na-miss kita.” Ang sabi niya, kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa na sumipot ako bagamat alam kong may lungkot iyong tinatago.

At niyakap ko siya, hinalikan sa pisngi. “Ano ang nangyari kuya?” Tanong ko uli.

“Mamaya ko na sasabihin sa iyo” ang sagot niya sabay tuloy ng pagtulak ng mga nurse sa stretcher niya patungo sa operating room. Sumunod ako hanggang sa makapasok na sila sa loob at naiwan ako sa labas.

Dali-dali ko namang tinawagan ang mama ko. “Ma... nasa ospitlal si Kuya Rom, ooperahan yata. I’m sure kailangan nila ng pera ma...”

Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa mama ko noong biglang may lumapit sa akin na isang foreigner na nasa may mahigit kumulang 30 ang edad, guwapo, toned ang katawan at nasa 6 talampakan ang taas. “Excuse me, are you Jason?” tanong niya.

“Ibinaba ko ang cp ko sabay sagot, “Yes Sir, I am”.

“I’m glad to meet you, Jason. Romwel told me so many things about you.”

“How did you know Kuya Rom?” ang tanong ko.

“I’m his partner...”

“What???” ang tanong ko, itinaas ang boses, naguluhan na mistulang may malaking question mark na nakapatong sa ulo ko “Partner?”

“Lover...”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment