Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [10]
THURSDAY, FEBRUARY 25, 2010
[10]
Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang may ibibigay siya sa akin, agad akong tumagilid paharap sa kanya, “Talaga Kuya? A-ano...?” ang excited kong tanong.
Tumayo siya sa kama at tinumbok ang nakalatag na pantalon sa sahig, pinulot ito at may dinukot sa bulsa. Noong makuha na ang bagay na iyon, itiniklop niya ang kamay sa paghawak nito habang pabalik sa higaan. Umupo siya sa gilid ng kama, iniabot sa akin ang nakatakip pa ring kamay. Noong tiningnan ko ito, inilantad niya sa akin ang laman noon sabay sabing… “Surprise!”
At bumulaga sa mga mata ko ang kanyang sorpresa.
“Wahhhhh! Singsing!” sambit ko sabay balikwas at upo sa kama.
“Thumb ring.” Sabi niya sabay hablot sa kanan kong kamay it isiknikbit sa thumb ko iyon. “Eksaktong-eksakto, tol…” sabi niya noong tuluyang maipasok ito. “Ingatan mo iyan, mahal iyan, hehe.” Pahabol niya.
Halos mapaiyak naman ako sa tuwa. Hindi kasi ako makapaniwala na isang barakong katulad ni kuya Rom ay may soft spot para sa akin. Marahil ay mumurahin lang din ang singsing na iyon ngunit para sa akin, ang pagbibigay niya sa akin niyon ang pinaka-importante. Syempre, alam ko, mahirap lang ang pamilya ni Kuya Rom. Ni sa pag-aaral nga, kung hindi lang siya varsity scholar, hindi na iyan makakatungtong ng college.
“B-bakit mo ako bingiyan nito?” ang tanong ko sa kanya, kunyari, syempre, pa-demure, hehe. Atsaka, malay ko bigla siyang luluhod at sasabihing “Will you marry me???” Nyahaha!
“Tinatanong pa ba yan?” sagot naman niyang parang wala lang nangyari. “Pag may nagbigay sa iyo ng isang bagay, huwag nang itanong kung bakit; tanggapin mo na lang.” dugtong pa niya.
“Ganoon!?” sigaw ng isip ko. At syempre, ano pa ba ang pwedeng gawin ng lola ninyo kundi ang yakapin siya at halik-halikan sa pisngi.
Pero ang pagbigay niya sa akin ng thumb ring na iyon ay lalo pang nagpapatuliro sa aking isip. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko. Ano ba talaga kami? Mahal ba niya ako bilang kapatid lang, o bilang kasintahan? Bakit niya ako binigyan ng singsing? Alam niya kayang may naramdaman ako para sa kanya? Kung alam man niya at may naramdaman din siya sa akin, pwede kayang maging kami? At bakit di niya masabi sa akin? Hinintay ba niyang ako ang magsabi sa kanya? Bakit mahal naman daw niya ang girlfriend niya? At bakit kapag nakakakita siya ng magagandang babae ay ipaparinig pa niya sa akin ang kanyang paghanga sa mga ito, kagaya ng “Wow! Sexy!” “Shitttt! Sarap papakin ng legs!”? Normal lang ba itong naramdaman ko para sa kanya?” Iyan ang ilan sa mga katanungang bumabagabag sa aking isipan. Hirap tatalga sister, grabe.
Ngunit kahit tuliro ang aking isip, matinding tuwa naman ang dulot ng pagbibigay niya ng singsing sa akin. Para bang feeling ko, may halaga talaga ako para sa kanya; na may puwang ako sa puso niya, kahit papaano. Sa minu-minutong nakikita ko ang singsing niya sa aking daliri, tila lalong tumitindi ang naramdaman ko para kay Kuya Rom. Pero, syempre, hindi ko pinapahalata ito. Paano nga, hindi ko naman malaman kung para saan iyong singsing na iyon. At wala namang umaamin sa amin. Alangan naman kung ako ang manligaw sa kanya. Hindi ko pa naranasan ang manligaw, at syempre, lalo na sa lalaki. Parang, “ewwwww!” Di ko ma-imagine ang sarili ko.
Isang araw, naimbitahan ang mama at papa ko sa tagapamahala ng lupain namin sa probinsya sa isang pyesta sa baranggay doon. Araw ng Sabado ang pyesta at nagkataong idiniklara na walang pasok din ang araw na Lunes. Kaya tatlong araw na libre ako. Dahil may ibang appointments ang mga magulang ko, tinanong nila ako kung interesado pa rin akong pumunta kahit wala sila. Pero ini-encourage din nila akong pumunta para din daw mapasyalan ko ang nyugan at palayan namin. At dahil gusto ko rin naman, umuo na ako. At kagaya ng mga ganitong lakad at lalo na driver lang ang kasama, pinakiusapan nila si Kuya Rom na samahan ako. Umuo rin iyong tao. Sobrang excited ako.
Friday pa lang ng hapon, nag-impake na kami. Target kasi namin na makaalis ng mga alas 4 ng hapon. Buong umaga ng sabado kasi ay may liga at may mga palarong basketball at volleyball daw. Dahil may 6 oras din ang biyahe kaya napagdesisyonan naming doon na magpalipas ng gabi sa probinsya upang makasali kami sa kung ano mang liga mayroon kinabukasan.
Kahit sa pag impake, kay Kuya Rom pa rin ako naka-depende. Sama-sama kasi ang mga gamit namin kapag ganyang nag-aout of towm kami. Alam niya kasing may pagka-spoiled ako at walang alam na trabaho o kung may alam man, hindi siya kampanteng magawa ko ito ng mabilis o maigi o magulo ang pagkalagay ko ng mga damit at gamit sa bag. At iyon ang pinakagusto ko sa setup naming; ang siya ang gumagawa ng lahat ng pag-iimpake. Feeling ko, secure na secure ako sa kanya, hindi niya ako pinapabayaan...
Kaya imagine, sa sarili kong kuwarto, siya ang naghahalungkat sa locker ko at siya ang pumupili ng mga damit kong dapat dalhin, pantalon, at kahit mga briefs. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang role niya sa buhay ko eh. Yayo, all-around na katulong, tatay, nakatatandang kapatid, o… asawa (?). “May tao o kaibigan ba talagang ganyan kabait at ka-concerned? Totoo ba itong nangyari sa akin?” tanong ko sa sarili.
Habang busy na busy siya sa pag-aayos sa lahat ng mga dadalhin namin, nagkandaugaga kung paano pagkasyahin ang bag sa mga gamit namin, nakatunganga naman akong nakaupo lang sa kama, pinagmasdan siyang ang hubad na pang-itaas na katawan ay pinagpapawisan. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong marahil ay napansin niyang malalalim ang tingin kong nakapako sa kanya sa sobrang pagka-mesmerize. Hininto niya ang ginagawa, bigla akong binato ng brief niya sabay sigaw, “Hoy!”
Sapol ako sa mukha. Dali-dali ko ding hinablot ang isang unan, nilapitan siya at inihambalos ko ito sa mukha niya. Nagbatuhan kami ng mga damit at ang naayos na sanang mga gamit namin ay muli itong nagkalat. Napuno sa ingay ng mga tawanan namin ang kuwarto.
Noong mapagod, naupo ako sa kama hindi pa rin maawat ang sarili sa katatawa at kakantyaw sa nagkalat uling gamit. “Sige, kulitin mo pa ako at hindi mo matatapos iyang ginagawa mo.” pagbabanta ko.
Bigla naman siyang tumakbo papunta sa kinauupuan ko, tumalon at ibinagsak ang katawan sa kama sa harap ko mismo. Tapos parang naglalarong ipinikit ang mga mata, nagpapa-cute.
“Nagpapansin ka ano?” sambit ko.
“Sobrang pansin na nga eh. Alam ko, naglalaro sa isip mo ang pagpapantasya sa akin…”
“Wahhhh! Kahit talaga kailan epal ka!” sagot ko naman.
“Epal pala ha…” At bigla siyang bumalikwas, piniwersa akong tumihaya at noong nakatihaya na, dinaganan ang katawan ko, ang magkabilang kamay kong nakalatag sa gilid ay inipit din ng mga kamay niya, pati na ang mga paa ko sa mga paa niya.
At… siguro naman ay alam na ng mga malalaswang utak ninyo kung ano ang sunod na nagyari, hehe. (Sarap pa namang i-detalye ang hot scene - hehe)
Ganoon kami kasaya ni Kuya Rom noong paalis pa lang kami.
Mag-aalas-dyes na ng gabi noong dumating naman kami sa lugar. Malayo-layo pa talaga sa kabihasnan. Kahit na madaanan na kahit papaano ng sasakyan ang kalsada nilang puro bato-bato, malalaki ang mga puno ng kahoy na dinadaanan namin, hindi pa naabot ng signal ng cell phones ang lugar, at tila bago pa lang din itong naabot ng koryente.
Para kaming mga artista noong dumating. Palibhasa, karamihan ng mga tao doon ay nagtatrabaho sa lupa namin kaya pagdating pa lang namin ay animoy fiesta na. Kahit gabi iyon, marami pa ring mga tao ang sumalubong.
“Magandang pagdating, Sir Jason!” Ang bati kaagad sa amin ni Mang Nardo pagkababa ko pa lang sa Land Cruiser na sinakyan namin.
“Salamat po!” Ang sagot ko naman. “Ipakilala ko pala si Kuya Romwel ko sa inyo! Siya po ang ipinasama sa akin nina Mama at Papa.” Dugtong ko.
Kinamayan ni Kuya Rom si Mang Nardo at pati na rin ang mga kapamilya nila.
“Ah… may kapatid po pala kayo, Sir Jason? Akala ko ba nag-iisa kang anak?” tanong ni Mang Nardo. “Artistahin na artistahin po ang porma niya, katulad din ninyo” dugtong niya.
“Di hamak na mas pogi po ako kesa d’yan, Mang Nardo. Adopted lang po ng mga magulang ko iyan, hehe.” Biro ko sabay tingin kay Kuya Rom na panay lang ang ngiti.
Habang naglalakad na kami patungo sa ancestral house namin na siya ding tinitirhan at inaalagan nina mang Nardo, kinakawayan namin ang mga nakahilirang manggagawa na nag-welcome at naki-usyoso. Noon lang nila kasi nakita ang anak ng may-ari ng lupaing sinasaka nila. At pansin ko kaagaad ang paghanga nila sa akin, ngunit lalo na ng mga kababaihan para kay Kuya Rom.
Sa napansin ko, ramdam ko naman ang selos na tila gumapang sa aking katauhan. Para bang gusto kong isigaw sa kanilang “Hoy! Para lang sa akin yan!” Ngunit syempre, hindi pwede dahil laking eskandalo ang maaring mangyari… hehe.
Atsaka, kahit pwede pa kung wala din namang sinabi iyong tao na kami na nga, wala din. Sumingit tuloy sa isip ko na siguro, kung naging babae lang ako at boyfriend ko si Kuya Rom, sobrang proud ako sa sarili na nagkaroon ng boyfriend na mabait, matangkad, guwapo, masipag… lahat ng hinahanap sa isang tao ay nasa kanya na. At ang laman ng isip ko na iyo ay may dalang kirot sa puso ko. Ngunit, wala akong magawa e. Kaya, hayun, tiis na lang...
Noong nasa bahay na kami, diretso kaagad kami sa master’s bedroom habang ang driver naman ay sa isang hiwalay na kwarto.
“Sir Jason, inilipat namin dito ang isang kama sa kabilang kuwarto para tig-iisang kama kayo.” Ang sabi ni Mang Nardo. “At kung gusto ninyong kumain, ipahanda ko kainan.” Dugtong niya.
“Huwag na po, Mang Nardo. Pagod kami sa biyahe at may baon po kami na siya naming pinapapak habang nagbibiyahe. Magpahinga na lang po muna kami”
“Ah, Sige po, Sir Jason…” At umalis na si Mang Nardo.
Noong kaming dalawa na lang ni Kuya Rom ang natira sa kuwarto, “Ang yaman pala ninyo tol… Hindi ko akalain na isang prinsepe pala ang kinikilala kong bunso-bunsuan. Para tuloy nahiya na akong sumasama-sama pa sa iyo” sambit niya.
Tila nabigla naman ako sa narinig. “Huwag kang ngang ganyan, kuya. Di bagay sa iyo ang magdrama! Kahit ano man ang mangyari, ikaw lang ang nagiisang kuya ko.
“Talaga?” Sagot niya.
“Promise...” sabi ko naman. “Tulog na tayo kuya, pagod na pagod na ako.” Ang paglalambing ko sa kanya.
Pagkatapus kong mag-CR, maglinis ng katawan at magpalit ng damit pambahay, diretso na akong humiga sa malaking kama habang si Kuya Rom naman ay inilipat pa ang mga gamit namin sa cabinet. Iyon ang huli kong natandaan sa gabing iyon. Nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng mga alas dos ng madaling araw at med’yo nagulat ako noong makitang si kuya Rom ay doon na nahiga sa kabilang kama, nakatihaya, naka-boxers lang, at bakat na bakat ang malaking bukol sa kanyang harapan. Syempre, di ko lubos maisip kung bakit sa kabilang kama siya nahiga. Kapag ganoong kami lang dalawa sa iisang kuwarto kasi, hindi pupuweding hindi didikit iyan sa akin, nangungulit, at ililingkis ang mga kamay niya, pati na ang mga hita sa katawan ko, hindi papayag na walang mangyaring karumal-dumal. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na tumabi sa akin, hinayan na lang akong makatulog na mag-isa. Di maiwasang maninibago talaga ako.
Ang ginawa ko ay tinumbok ang kama niya, padabog na ibinagsak ang katawan ko doon, at pagkatapos, idinantay ko ang mga paa sa nakabukol niyang harapan at niyakap siya. Dama ng paa ko ang kumukislot-kislot pa niyang pagkalalaki sa ilalim ng kanyang boxer’s. “Kuya… tabihan mo ako doon...” Ang sambit ko, ang boses ay tila sa isang paslit na nagmamakaawa at naglalambing.
“Ahmmmm!” ang lumabas sa bibig niya, sabay unat. “Doon ka na sa kabila, dito na lang ako.”
“Ha? Bakit?” tanong ko.
“Antok na antok pa akoooo.” Ang malambing niyang sagot.
“Ayoko… gusto ko tabi tayo…” ang pangungulit ko, naglalambing din ang boses.
Tumagilid siya paharap sa akin, ibinuka ang mga mata at yumakap. “O sya, dito na lang tayo. Pagod pa ako, tol… tulog muna tayo ha?” ang sabi niya, sabay kiss sa mukha ko at muling ipinikit ang mga mata.
Iyon lang. At di ko na siya kinulit pa. Yakap-yakap siya, nakatulog na rin ako sa tabi niya.
Magaalas tres na siguro iyon ng madaling araw noong maalimpungatan kong tila may humahaplos-haplos sa buhok ko. At noong tila may ilang patak ng likido ang bumagsak sa mukha ko, ibinuka ko ang mga mata. At ewan kung namalikmata lang din ako ngunit tila si kuya Rom iyong humahaplos-haplos sa buhok ko habang pinagmasdan ang mukha ko habang natutulog at noong magising ako, biglang ibinagsak naman niya ang ulo sa higaan at nagkunyaring tulog pa.
Tinitigan ko ang mukha niya nang maigi. Sa tingin ko ay himbing na himbing naman ito. Nagtataka man, bumalik na lang uli ako sa pagtulog.
Alas syete noong marinig kong kumatok si Mang Nardo sa kuwarto namin. “Sir Jason, kain na po… handa nap o ang agahan.”
Bumangon ako, at nagtaka na lang anko noong makitang wala na si Kuya Rom sa tabi ko. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto. “Mang Nardo, nakita niyo po ba si Kuya Romwel?” Ang tanong ko kaagad.
“Ah… nandoon sa ilog, maliligo daw siya doon. Hayun, sinamahan ni Julius.” Ang sagot ni Mang Nardo.
Si Julius pala ay ang bunsong anak nina Mang Nardo at asawang si Aling Isabel na ka-edad ko lang. Matagal na naming caretaker sina Mang Nardo at bawat bisita nila sa bahay namin sa lungsod, minsan ay sumasama din si Julius. Kaya kilala ko na siya at kaibigan. Med’yo matangkad din si Julius na may taas na 5’10”, sunog ang balat ngunit may matipuno na pangangatawan gawa ng trabahong bukid. At sa totoo lang, cute din si Julius. Chinito, may dimples, may maganda at mapupuilang mga labi na kapag ngumiti, makikita ang mapuputi at pantay na mga ngipin. Matangos din ang ilong, at maganda at makakapal ang hugis ng mga kilay.
Para naman akong nagtampo ng kaunti sa di maintindihang kung bakit hindi man lang ako inanyayahan ni Kuya Rom. “A… hahabol na rin po ako doon sa ilog” ang sagot ko na lang
“Hindi ka pa ba kakain?” tanong niya.
“Maliligo na rin po muna ako.” Sagot ko uli.
“Kung ganoon, samahan na kita.” Mungkahi ni mang Nardo.
“”Huwag na po… Malapit lang ng naman dito iyon, di ba?”
“A, d’yan lang deretso sa dulo ng daanang iyan. May 500 metro lang ang layo galing dito” pagturo ni Mang Nardo sa isang daananan.
“A, sige po.” At dali-dali na akong bumaba at tinungo ang ilogm excited na makapaligo sa preskong tubig nito. Narating ko nga iyon at kaagad kong nakita ang dalawa. Naliligo sila at sa napansin kong kasayahan at paghaharutan nila, napahinto ako bigla. Parang may biglang humarang sa akin at humila na huwag tumuloy. At nanatili nalang akong nakatayo sa di kalayuan habang pinagmasdan sila. Kitang-kita ko ang paghahabulan nila, ang paghahagisan ng tubig, dinig na dinig ang mga sigawan nila at ang lakas ng kanilang tawanan. Pakramdam ko, na-out of place ako.
Umupo na lang ako sa damuhan habang pinagmasdan sila. Maya-maya, nakita kong umahon na sila sa tubig at habang sabay nilang tinungo ang aplaya, kitang-kita ko naman ang kabuuan ng mga katawan nila. Si Kuya Rom, naka-suot lang ng puting brief habang si Julius ay naka-suot ng maong na short na tila pudpod na sa pagka-luma. Pnagmasdan ko ang napakagandang hubog ng kanilang mga katawan. Paarehong hunk na hunk. Kung tutuusin, halos magkapareho sila ng height, parehong mga matipuno at magaganda ang mga katawan at tindig. “Bagay na bagay sila...” ang naibulong ko sa sarili.
Hindi ko rin lubos maintindihan kung kung bakit ganoon ang takbo ng aking pag-iisip. Nagseselos sa nakita sa kanila. At di ko maiwasang gumapng ang damdaming pagkaawa sa sarili…
Noong nandoon na sila sa aplaya, naupo naman ang dalawa, nagtatawanan pa rin at naghahaharutan. Tila matagal na silang magkakilala at sobrang close na sa isa’t-isa.
Hindi ko rin natiisa ang nasaksihan at humarurot ako ng takbo pabalik sa bahay, deretso ng kuwarto at nag-iiyak. Mgkahalong selos at pagkahabag sa sarili ang naramdaman. Tila napakabagal ng takbo ng oras habang hinihintay ko si Kuya Rom na bumalik ng kuwarto at magbihis.
Siguro ay may isang oras din iyong paghihintay ko. Maya-maya, narinig ko na lang silang dumating at nagtatawanan pa rin.
“Kasama niyo ba si Sir Jason?” Tanong ni Mang Nardo sa kanila.
“Hah? Hindi naman siya naming nakita doon, tay?” sagot ni Julius.
“Nagpaalam na pumunta doon ah! At sinundan ko pa nga ng tingin ang pagbaybay niya sa daanan patungogn ilog!” Sagot uli ni Mang Nardo.
Tila nagkagulo na sila noong sabihin ni Kuya Rom na “Tingnan ko po muna sa kuwarto...”
At noong binuksan ni Kuya Rom ang kwarto ay nagkunwari naman akong natulog, tinakpan ang mukha sa kumot upang hindi mahalatang umiyak ako. “Tol! Nandito ka lang pala! Sabi kasi ni Mang Nardo nagpunta ka daw sa ilog?”
Hindi ako kumibo, nagkunyari pa ring tulog.
Umupo siya sa gilid ng kama. “Tol... kain na tayo”
“Tulog pa ako... Maya na ako kakain. Kayo na lang muna.” Sabi ko, ang kumot ay nakatakip pa rin sa mukha.
“May laro kaming basketball maya-maya lang tol ha... Isama ako ni Julius sa team nila. Kaya mauna na kaming kumain dahil malapit nang magsimula ang palaro.”
Sa narinig ko ay tila sinaksak muli ang nagdurugo ko nang puso. At ang naisagot ko na lang ay, “O s-sige...”
“Manood ka sa laban namin tol ha...?”
“S-sige...”
At narinig ko na lang ang mga yapak niyang palayo. At habang kumakain sila, dinig ko pa rin ang kwentuhan nila, ang kantyawan, ang tawanan.
Noong matapos na silang kumain, bumalik sa kwarto si Kuya Rom. Alam ko, nagbihis siy ng pambasketball at nagsuot ng saapatos. Pagkatapus ay nagtatakbong lumabas, pinabayaan na lang ako sa pagkahiga ko, takip-takip pa rin ang mukha sa kumot. “Nood ka tol ha?” Sambit niya bago isinara ang pinto.
Ngunit hindi na ako nanood. Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpasama ako kay Mang Nardo na ikutin ang mga pananim naming niyog at palayan. At habang nagku-kwento si Mang Nardo at ipinakilala sa akin ang mga tenants namin, halos hindi naman ito pumasok sa utak ko. Ipinamalas ang ngiti sa mga tao ngunit ang nasa loob ay matinding hinanakit.
Alas onse na noong sinabi ko na kay Mang Nardo na bumalik na kami sa bahay. Wala kasi akong ganang mamasyal at ang sabi naman ni Mang Nando na kulang ang isang araw upang maikot namin ang buong lupain ng mga magulang ko. Kaya ang sabi ko na lang sa kanya ay sa susunod na kapag nakabalik uli ako doon.
Noong makarating na kami ng bahay. Wala pa rin sina Julius at Kuya Rom. Kaya nagpaalam na lang akong pumunta ng ilog at doon ay magmumuni-muni.
Habang nag-isang naka-upo sa damuhan sa may dalampasigan paharap sa ilog, di ko naman maiwasang manumbalik sa isip ang eksenang nakita ko sa umagang iyon sa lugar na iyon sa kanila ni Kuya Rom at Julius.
Pinagmasdan kong maigi ang ilog. Malapad ito na sa tantiya ko ay may 30 o 40 metro ang lapad. Bagamat malakas din ang agos, alam kong malalim ito sa kulay na mistulang berde ang kalaliman sa may gitna at sa tahimik na na pagdaloy ng tubig paibaba...
Napabuntong-hininga ako. Iniisip na sana, kagaya ng ilog ang isip ko, mapayapa, kalmante, alam nito ang direksyong patutungohan. Di kagaya ko na litong-lito at hindi malaman kung saan patungo ang buhay. At namalayan ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Napahikbi ako, napahagulgol.
Habang hawak-hawak ng isang kamay ko ang singsing na bigay ni Kuya rom sa akin na nakasikbit pa sa aking daliri, pilit na ibinalik sa ko sa isip ang eksena kung saan niya ito ibinigay sa akin.
Nasa ganoong akong pagmumuni-muni noong maisipan kong hubarin na lang ang singsing at itapon ito sa ilog.
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment